Christmas Songs

Filipino Christmas Songs

  Gabing Mapayapa...artist: EJ Delgado

Ang Pasko Ay Sumapit

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig

Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa't isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay

Koro: Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang Lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsiawit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

Sa maybahay ang aming bati

Sa maybahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Koro: Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perhuwisyo
Pasensya na kayo pagka't kami'y namamasko

Nuong Araw Ng Pasko

Nuong Araw ng Pasko
Ako ay bata pa
Minsan sa ninang ko ako ay nagpunta
Ang aginaldo niya sa akin ay barya
Upang ihulog ko sa aking alkansya

Koro:
Maligayang Pasko aking ninang
"Pagpalain kayo ng Maykapal"
Ibig ko sana ay araw-araw
Mamasko sa inyo, ninang

Pasko Na Naman

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan

Koro:
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Tanging araw nating pinakamimithi
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Ang pag-ibig, naghahari

repeat all
repeat chorus 3x

More Christmas Songs

Maligayang Pasko Chord book
The Maligayang Pasko Homepage
Tagalog Christmas Songs
Holiday traditions - Christmas Around the World - Holiday of Lights

 

Music